Archive for January, 2009

Ploning Gets 7 out of 10 at the 7th Gawad Tanglaw!

Saturday, January 31st, 2009

Yipee!

PLONING gets 7 out of the 10 categories on the 7th Gawad Tanglaw!

Sa Best Actor at Best Supporting Actor/Actress lang tayo hindi pumasok…

To God be the glory!

Here is the link and the article:

http://www.starmometer.com/2009/01/16/7th-gawad-tanglaw-2009-winners/comment-page-2/

On its 7th year, Gawad TANGLAW (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) revealed this year’s honorees in movies, radio, television, journalism and the performing arts.

Here is the complete list of winners of the 7th Gawad TANGLAW:

MOVIES

Best Films:
Ploning, Boses, 100 and Jay

Best Actors:
Baron Geisler (Jay)
John Estrada (Caregiver)

Best Actresses:
Judy Ann Santos (Ploning)
Anita Linda (Adela)

Best Directors:
Dante Nico Garcia (Ploning)
Ellen Ongkeko-Marfil (Boses)
Chris Martinez (100)
Francis Xavier Pasion (Jay)

Best Screenplay:
Ploning
Boses
100
Jay

Best Story:
Ploning

Best Supporting Actor:
Emilio Garcia (Walang Kawala)

Best Supporting Actress:
Boots Anson-Roa (Lovebirds)

Best Cinematography:
Ploning

Best Editing:
Ploning

Damit. Plato. Laro. Pangarap.

Thursday, January 29th, 2009

Monday, January 26, 2009
7:19:09 PM

Japan AirLines Flight 061
LAX-Narita-NAIA

Kalilipad lang ng eroplano mula Narita Airport patungong Maynila…
Tatlong buwan at labing-anim na araw simula ng una akong lumipad patungong America…
Tatlong beses na pagbalik-balik sa Pilipinas…

Pasarado na naman ang isang yugto ng buhay ko at ni Ploning…
Ang yugto ni Oscar…

Napakaraming magagandang karanasan…
Napakaraming bagong kaibigan…
Napakaraming natuklasan at natutunan…

Kung ikukwento ko lahat…
Marahil ay kukulangin ang baterya na laptop ko…

Ikukuwento ko na lang sa kaugnay ng apat na magagandang mga salita ng nagkaroon ng bagong kaugnayan kay Ploning:
Damit.
Plato.
Laro.
Pangarap.

DAMIT

2007…
Halos isang taon akong hindi bumili ng damit…
Dahil nga pinili kong ipahinga ang katawan ko sa trabaho…
Kasabay noon…
Namahinga din ang wallet ko…

2008…
Wala akong choice…
Kailangan kong bumili ng damit dahil tuloy tuloy ang mga promo at events ng Ploning…

Pagdating sa America…
Lalo ko pang kinailangan ng mga damit dahil hindi na uubra ang nakasanayan kong board shorts at flip-flop sa ginaw ng panahon…

Hindi ako nahihiyang dumiretso sa likod ng mga tindahan kung saan naroon ang mga clearance sale…
$3-$6 na T-shirt…
Mahal na ang sapatos pag lumagpas ng $20…

Kaso nung dumating ang winter, wala ng winter clothes sa clearance…
Kinailangan ko ng mamili ng medyo mahal na damit…

Paano ko naman na-afford ang winter wardrobe ko gayong ang anniversary special lang ng ‘Wish Ko Lang’ ang naging trabaho ko nung dulo ng 2008?

Yong per diem ni Hoody na binibigay niya sa akin…
Yong binuong pera ni Inay Uge mula sa mga kaibigan para maingganyo akong pumunta sa New York…
Mga shopping bag na bigla na lang inaabot ng mga kaibigan…
Kadalasan pera mismo na pang shopping.

PLATO

Ang laki ng portions ng pagkain sa America!
At kahit pauwi na ako, hindi pa rin ako nasanay.

Yong ang dahilan kung bakit 20lbs overweight ako ngayon!

Sa America, natutunan kong panghawakan na pag sinabi ng kasama ko na “my treat”…
Hindi na ako nagpupumilit dumukot ng wallet…

Dati-rati kasi…
Mga matatalik ko lang na kaibigan ang pinapayagan kong ilibre ako ng pagkain…
Tapos pag hindi ko ka-close, pipilitin ko talagang mag share…
Out of pride.

Dati-rati…
Three nights ang adjustment ko…
Bago ako makatulog ng mahimbing sa kamang hindi akin…

Sa America,
Mahigit dalawampung kama ang pinakitulugan ko…
At mahimbing kaagad ako unang gabi pa lang…
Out of pagod.

Dati-rati…
Hindi ako gumagamit ng toilet ng ibang bahay…
Pag may shoot, uuwi pa ako o titiisin ko hanggang ma pack-up.
Iba na ngayon.
Out of necessity.

LARO

Theme parks ang isa sa pinakamalaking attraction ng Los Angeles…
Nung una akong dumating…
Sabi ko sa mga kaibigan kong nag-aaya,
‘Saka na lang, matagal pa naman ako’…

Nung nagpasukan na ang mga pera na donasyon sa kampanya…
Nahiya na lalo akong mamasyal…
Baka makita ng mga tao ang mga pictures at isipin nila na ginagastos ko lang ang pera sa pamamasyal sa mga theme parks…

Ayun…
Pagkatapos ng tatlong buwan sa LA…
Ni hindi ko napasok ang Disney at Universal Studios!

Ang tanging naging bakasyon at laro ko ay noong bagong taon na sinagot ni Hoody ang pamasahe ko papuntang New York…
At nanood kami nila Inay Uge at Andoy ng mga Broadway plays na sagot naman nila ang tickets…

Si Lord naman, pinaglaruan ako…

Two days bago ako umalis noong Oktobre,
Nawala sa Puerto Princesa ang wallet ko…
Within one day, napa-replace ko naman ang driver’s license at ATM’s ko…
Pero pumunta ako sa America ng walang credit card.

Pag-uwi ko ng November, nakuha ko ang replacement card ko…

Ewan ko ba…
Hindi naman ako burara…
At buong buhay ko…
Mabibilang sa daliri ng isang kamay ang pagkakataon na nawalan ako ng wallet…

Pero bago magpasko…
Nawala uli ang wallet ko…
Sa LA mismo!

Sa isang siyudad na halos hindi nagdadala ng cash ang mga tao…
At hindi rin puedeng mag commute…
Wala akong lisensiya at credit card!

Habang hinahanap ko ang wallet sa ilalim ng mga kotse kung saan ko ito maaring nalaglag…
Sabi ko kay Lord… ‘Bakit naman ngayon pa… huwag mo naman akong paglaruan…!’

Ewan kung dala lang ng pag akyat ng dugo sa ulo ko habang nagtututuwad sa isang parking lot…
Parang sinagot ako ni Lord na, ‘Sa pagkawala ng wallet mo, iniisip mong pinaglalaruan kita, eh puede namang mangyari yan sa lahat ng tao… Samantalang sa aspeto na kalahok sa Oscars at nanalo ka ng Best Director sa Asia sa unang pelikula mo, hindi mo naiisip na baka doon din, pinaglalaruan kita?’

Natahimik ako…
At nag paubaya…

PANGARAP

Sa ngayon…
Halos lahat ng bagay na pinangarap ko ay natupad na…
At mas marami pang ni hindi ko pinangarap pero nangyari…

Ano pa nga ba ang papangarapin ko?

Nagustuhan ko ang pagdi-direk…
Hindi lang dahil sa mga palakpak…

Higit dahil sa pagkakataong maipahayag ang mga saloobin at mga pinaniniwalaan ko…

Pangarap kong makagawa pa ng mga pelikula at maka antig ng damdamin.

Tulad ng naging karanasan ko sa America, pangarap kong makilala pa lalo ang sarili ko sa pamamagitan sa pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao…

Pangarap kong magkaroon pa ng maraming kaibigan…
Hindi dahil sa libreng shopping…
O puedeng makitulog sa bahay nila…
At makigamit ng toilet…

Pangarap kong muling maramdaman ang pagtitiwala ng mga dating kaibigan at mga bagong kaibigan…
Mga kakilala at makikilala pa lamang…
Mga dati ng pinagkakatiwalaan at pagkakatiwalaan pa lang.

Sa yugtong ito ng buhay ko at sa pangarap na Oscar ni Ploning…
Natuto akong magtiwala lalo  sa mga tao sa paligid ko…
At sa sarili ko.
At sa Diyos.

Nagmamahal ako… nagtitiwala.

A Friend Wrote My Oscars Thoughts For Me…

Tuesday, January 20th, 2009

I wanted to come up with a blog nitong mga nagdaang araw…
Pero sobrang pagod pa ako…

Last night, while checking my email…
Naka chikahan ko si Allan Diones sa Yahoo Messenger…
Nagkakwentuhan kami…
Na nauwi sa online interview…

Today, he texted me na sinulat niya ang chikahan namin sa Abante…

After reading it…
Nandun lahat ng thoughts at updates ko…
So, ito na muna ang blog ko…

(Pansinin niyo ang ‘message’ part… very YM ang format… Hehehe!)

Ito ang article…

___________________________________________

KATSIKAHAN namin kahapon sa YM (Yahoo! Messenger) si Direk Dante Nico Garcia na kasaluku­yang nasa San Rafael Film Festival (sa Marin County, malapit sa San Francisco, California).
May screening doon ang 13 foreign language films kasama ang Plo­ning ni Judy Ann Santos. Hindi kasama roon ni Direk Ga (palayaw ni Direk Dante) si Juday dahil naiwan ito sa L.A.
Sa Pebrero 5 pa ang balik dito sa ‘Pinas ni Ga, na masaya pa rin at proud sa kanyang unang pelikula kahit nabigo itong makapasok sa siyam na pelikulang na-shortlist ng 2009 Oscars para sa Best Fo­reign Language Film ca­tegory.
Bongga ang experience ni Direk Ga nang dumalo sila sa 20th Palm Springs International Film Festival (Enero 6-19, 2009).
Isa ang Ploning sa 50 of the 67 foreign entries sa Academy Awards this year na in-screen sa PSIFF, under the ‘Awards Buzz’ program.
Kuwento ni Direk Ga, love ng organizers ng nasabing pestibal si Juday at nagustuhan ng matatanda ang kanilang pelikula.
Si Ga ay naging ins­tant favorite ng ‘hermana mayor’ ng PSIFF na si Ms. Jackie Lee Houston, na itsura raw ni Madame Imelda Marcos na sosya­lerang patron of the arts.
Super chika raw sila nito at isinama pa siya sa guest list sa malaking gala na limitado ang imbitado at ang dinner ay $500 per plate.
Si Ms. Houston ang may-ari ng CBS network sa Palm Springs, CA.
***
Isa sa highlight ng Palm Springs para kay Direk Ga ay ang makasama niya sa isang event ang mga A-list Hollywood celebrities.
Dumalo siya sa black-tie awards night gala at isang mesa lang ang pagitan nila ni Sean Penn.
Nahiya siyang chumika at magpa-picture sa bida ng Milk dahil pormal ang event.
Naroon din ang mga direktor na sina Clint Eastwood, Ron Howard, Gus Van Sant, pati na sina Anne Hathaway, Dustin Hoffman, Ben Stiller, Dakota Fanning, atbp.
Ang big deal kay direk ay ang makita si Leo­nardo DiCaprio, na isa sa mga pinarangalan that night kasama ni Kathy Bates. Ang mga nabanggit na celebs ay binigyan ng parangal sa nasabing pestibal para sa kanilang outstanding accomplishments at body of work.
Enero 6 naganap ang nasabing black-tie affair kaya si Direk Ga lang ang nakadalo. Sina Juday ay later pa dumating para sa Enero 12 & 13 screenings ng Ploning.
Kasamang dumalo ni Juday ang co-stars niyang sina Meryll Soriano at Ces Quesada at isa sa produ­cers ng pelikula na si Guia Gonzales.
Wala nang gaanong Hollywood stars nang dumating si Juday, pero ang dami niyang photos sa website ng festival.
***
Hindi nawalan ng loob si Direk Ga kahit mailap pa rin ang Oscars sa Pilipinas dahil ginawa nila ang lahat para sa kampanya ng Ploning.
Heto ang mensaheng nais iparating ni direk sa lahat…
“Even after we were chosen to represent the Philippines, I cannot remember that I actually asked God to make me win an Oscar this early in my career
“Aside from alam kong madami nang nagdarasal for us, medyo takot ako dahil baka tumaas masyado ang expectations at makalimutan ng mga tao na first movie ko pa lang ito and I still have a lot to learn.
“But being given the chance to represent the Philippines in a very prestigious awards is honor enough.
“We were given the chance to knock a little louder sa pinto ng Hollywood para magbukas ito sa Filipino films kung hindi man tayo nakapasok ngayon.
“I believe that ‘yung pagkatok namin is loud enough for them to be aware na aali-aligid lang tayo at ready na pumasok anytime soon.
“Naniniwala ako na maraming makikinabang na Filipino filmmakers sa ingay na ito sa mga susunod na taon.
“At the same time, na­ging aware din ang mga Pinoy that it is a battle that we need to fight together kung gusto nating mamayagpag uli ang industriya ng pelikulang Pilipino.
“I’m very grateful that I was given the chance to that one shot. I have yet to see if this experience made me a better filmmaker sa mga susunod ko pang pelikula, but it definitely made me a better man. And I’m perpetually grateful!”
***
Maraming na-meet na producers si Direk Ga sa pag-attend niya sa iba’t ibang film festivals at ang ilan sa mga ito ay willing suportahan ang kanyang next films.
Ano ang balak niyang next project after Plo­ning?
“I met a producer here who wants me to make a film right away. At ‘yung advice ng publicists dito is to make it at least 50% English.
“So, dadaan pa ako sa San Francisco to do a research. It might be ano­ther Judy Ann film inspired by a Howie Severino documentary, ‘yung lolo ng San Francisco. I think The Little Brown Man of San Francisco ang title.”
So, on hold muna ang Mrs. Recto na dapat sana’y next directorial project niya starring Eugene Domingo?
“We will decide pa pagbalik ko. For now, I need to come up with three sequence treatment. Two Juday and one Uge. Then, my producers will decide kung ano ang pinaka-feasible.
“Three story concepts and three sequence treatments in a month. Patay-patayang back-to-work ito. Pero sobra akong ins­pired and encouraged!”