Ang Daan Patungong Oscars / Unang Yugto
Friday, October 10th, 2008
Friday, October 10, 2008
12:09:55 AM
Nakasakay ako ngayon sa Philippine Airlines Flight PR 102 papuntang Los Angeles, California…
10pm kami lumipad…
Ngayon lang nag settle down ang lahat after dinner…
Kanina ko pa iniikot ang tingin ko sa paligid hinahanap kung saan ang individual monitors…
Wala palang ganun sa ecomony class…
Sayang hindi ko mapapanood ang ‘Forbidden Kingdom’ at ang ‘My Monster Mom’.
Nung pumatay ang cabin lights…
Excited na akong mag quiet time magsulat na lang ng regular journal ko…
May bago kasing bigay na devotional sa akin si Tita Coney na ngayon ko sana sisimulan…
Ang title ‘What Matters Most for Men’…
Kaso ayaw umilaw ng reading light ko…
Ayoko na rin namang mag reklamo…
Dahil baka ang solusyon ay kailangan kong lumipat ng upuan…
‘Wag na lang…
Kaya naisipan ko na dito na lang sa laptop ko mag journal…
Maliban kasi sa ‘No Smoking Sign’…
At sa spill ng ilaw na nanggagaling sa lavatories…
(Nga pala, seat number 93A ako)…
Wala ng ibang light source.
Journal proper.
Mixed emotions ako sa pagpunta sa America…
Excited pero parang tinatamad at restless.
First time ko…
Pero naka isa’t halahating buwan at dalawang balik na ako sa Europe early this year kaya tamad na akong mag empake at umupo sa mahabang plane ride…
Tsaka mahigit akong isang buwan na hindi magtatrabaho…
Walang kita…
Tapos magpapasko…
Kaninang umaga…
Tamad na tamad akong bumangon…
Napadami din kasi ako ng inom kagabi sa staff party ng ‘Newsmakers’…
(Yong TV special on 5 Philippine Presidents na ginawa ko sa GMA)…
Na low-batt ang phone ko kaya wala akong alam sa oras…
‘Yong mga nakakaalam lang na kasama ko si People-Person Dom ang naka-contact sa akin…
Nagtampo pa nga si Ploning at si Noynoy dahil I was supposed to meet up with them kaso hindi ko na nagawa…
Ipinadala na lang ni Noynoy ang mga jacket na hiniram ko sa kanya sa QC ng may halong inis…
Paggising ko ng umaga…
Ang dami ng missed calls…
‘Yon pala nagplano sina Pet at Pidyong na mag lunch kaming tatlo…
Di ko lang nabalitaan dahil nga wala akong phone kagabi…
So kahit lulugo-lugo…
Pinilit ko na ring bumangon.
Tomodo ako ng kain ng Binagoongan at Bulalong Munggo…
Baka kasi ma miss ko sa America.
Mabilisang lunch lang…
Kasi si Pidyong may pictorial…
Ako naman kailangan ding kumuha ng cheke sa Regal at pik-upin ang book na gift ni Tita Coney…
So sina Pet at ang dalawa pang magaganda at matatabil na Etihad FA’s na kasama namin…
Sinamahan na lang ako sa errands ko…
Bahay ni Tina sa Scout Gandia…
Tycoon Buliding sa Ortigas…
Celery Street sa Valle 5…
Tapos tumawag si Guapa Sariwa…
Nagmagandang loob na ipahiram sa akin ang kanyang US phone…
Capitolyo sa Pasig…
NR Marketing sa may St. Paul…
Tapos naalala ko na wala pa pala akong dollar…
BDO Tomas Morato…
Coffee Bean… Tomas Morato din…
Tapos nag text na si Gnoj na nasa bahay na siya…
Siya kasi ang nagprisinta na ihatid ako sa airport…
5pm na pala…
Ni hindi pa ako nakakapag empake…
Mabilisang empake…
30 minutes na pag-aayos ng mga damit na mahigit isang buwang gagamitin sa bansa na hindi ko alam ang klima…
Habang may lima akong kaibigan na nanonood sa ginagawa ko.
5 minutes to 7pm…
Tumutulak na kami sa airport…
Ang mga Ngonams kong si Gnoj at Idoob na lang ang naghatid sa akin.
Lumala pa ang pagka-restless ko dahil sa ininom kong personal Coffee Bean concoction kong grande na Chai-Latte-With-Extra-Espresso-Shot…
Inaaliw lang ako ng mga Ngonams along the way…
Natauhan lang ako nung chinika ako ng Immigration Officer…
Natuwa siya na ang dahilan ng pagpunta ko sa America ay para ikampanya sa Oscars ang kauna-unahan kong pelikula…
Oo nga naman…
Libo-libo ang umaalis ng Pilipinas araw-araw…
Iba-iba ang dahilan.
‘Yong sa kin kakaiba…
At sigurado kong ako lang ang may ganung dahilan sa Pilipinas ngayon…
Bakit ba ako lulugo-lugo?
Ang problema ko lang naman ay ang mahabang flight at ang pag empake ng mga damit…
Nakahiya naman kay God.
Eh, samantalang marahil ay ilan sa mga kasakay ko sa eroplanong ito ang isinanla pa ang kabuhayan at tinalikuran pansamantala ang pamilya para lang makarating sa America.
Pinababa na ng stewardess ang window shade…
Madilim na ang paligid…
Mahimbing na ang matandang katabi ko na may hawig kay Tatay…
Hindi na ako restless…
Excited na akong itaas uli ang window shade mamaya…
At masilayan ang liwanag ng America…
At ang mga bagong aral ng buhay na ituturo sa akin ni God sa biyaheng ito ni Ploning patungong Oscars…