Para Sa Mga Nagmahal At Nagtiwala… Ang PLONING Trailer!

grabeeeehhhh!!!!…
ang haba ng pinagdaanan…

naka ilang palit ng score…
nariyang hindi mai-release dahil kailangan ng karagdagang budget para makagawa ng kopya para sa MTRCB…
ang muntik-muntikan ng pagpapalit ng playdate dahil makakabangga daw namin ang ilang malalaking pelikula…
may ilan pang nagsasabing ’suicide’ daw ang project na ito…

eto na po…

http://www.youtube.com/watch?v=JmDZTGV5×04

tuloy na tuloy na sa April 30…

ang homage ko sa Sampaguita at LVN pictures…

mas pinoy pa sa tinola…
may hatid na konting sakit dahil ikaw ang nagpalaki ng manok at kinakatay ito sa harap mo…
pero hindi mo pagdududahan ang sarap kasi ikaw ang nagtanim at sa bakuran mo pinitas ang mga sangkap…
isang pelikula na nagsasalarawan uli ng isang MAGANDANG PILIPINAS…

para sa mga nagsasabing ’suicide’ ang project na ito…

ito po ang sabi ng character ni Celeste sa pelikula…
na ginampanan ni Mylene Dizon…

"dalawa lang ang puedeng mangyari sa lumulundag sa bangin ng may tiwala sa Diyos…
sinasalo Niya…
o tinuturuan Niyang lumipad…"

ang full-trailer na hudyat na paglipad ni Ploning…

walang takot naming susuungin ang ilang malalaking pelikula…
tulad ng kung paanong hindi ka matatakot na may katabi kang nagtitinda ng katulad ng paninda mong pagkain sa isang food court…
basta tiwala ka sa produkto mo…

gaano ako katiwala sa pelikulang ito…?

maliban sa akin…
napamahal sa lahat ng taong nakibahagi ang proyektong ito…
at ika nga ni Ploning…

"ang nagmamahal… nagtitiwala…"!

4 Responses to “Para Sa Mga Nagmahal At Nagtiwala… Ang PLONING Trailer!”

  1. Mä Angelä Says:

    being a proud CUYUNON, we’l be with you all the way. ara ing atrasan ang mga cuyunon.

  2. Darling Says:

    Wishing you all the best and more power.We will here for you,Tangay.

    Darling Abiog

  3. yllaine Says:

    good luck sa project,,,,beken ako cuyunon mayad tay akakaapreciate ako ang mga buat ang mga cuyunon,,,goooo kaya indu dan,,,make all cuyunon proud,,,

  4. THUG AY Says:

    cuyonin po ba kayo..masyado po ako naging mas lalong naging interested na pumunta sa lugar nyo sa ploning.mahilig po ako sa literature at para sa akin “ploning” an isang magandang halimbawa nito..sobrang ganda ng istorya lalo na yung mgasalita na binibitiwan nila kahit nga wala mga lines parang ang dami na nila naparating.tanga lang po ang mag sasabi na walang kwenta ang palabas na to..and galing ng batang digo..

Leave a Reply