Archive for August, 2007

Invest In A Judy Ann Santos Film!

Friday, August 17th, 2007

Invest in our film!

August 15, 2007. 1:21PM. Kamarikutan Café and Gallery. Puerto Princesa City, Palawan. Philippines.

Finally, after 7 years na concept lang siya… I already sat down to write my first film.

Tulad ng ilang beses ko ng nabanggit sa mga blogs ko, oo… mag di-direk na ako ng pelikula… ang nakakagulat… dahil nga concept ko ito… dapat ‘written and directed by’ ang billing ko dito… and to really deserve the title… obligado akong careerin ang pagsusulat nito…

Nasa Palawan ako ngayon… to finally put into writing my seven-year-old concept for my fifteen ( o sixteen na ba?) years bestfriend Judy Ann Santos. Kilala nyo siya? Hahaha! Artista siya. At mukhang deserving naman na matawag na ‘artista’… dahil madami dami na ding trophy ang pinamamahayan ng alikabok sa may hagdanan ng bahay niya. (Counted ba dun ang ‘Showbiz Lingo Newsmaker of the Year’?)

Wheewww! Ang hirap palang magsulat… lalo na kung dati ang nasusulat mo lang ay pangalan-tirahan-suking tindahan-lagda.

Totoo si Ricky Lee sa libro nyang Trip To Quiapo (na katabi ko habang nag-a-attempt magsulat), pinakamahirap ang nakaharap ka sa blankong pahina at nag-iisip kung paano magsisimula.

Dasal…
Prayer journal…
Adobo sa Gata…
Kamarikutan blend coffee…

Dasal uli…

Ewan ko nga ba…
Minsan may mga bagay na kailangan mong gawin na hindi mo pinangarap gawin…
Kailangan lang gawin…
Kasi pag hindi mo gagawin… sino ang gagawa?

Maganda ang kwento… sayang naman kung barbero at kutsero na lang ang magsasabuhay nito…
Unang una… wala na halos nagpapagupit sa barbero…
Pangalawa… sa Binondo na lang may kutsero…
Eh sa palawan ang setting ng kwento… at sa nakita ko… more on ‘parlor’ na dito…
So, mapupunta na nga lang sa wala ang kwentong ito kung hindi ko gagawin?…

Minsan may nagtanong sa akin…
‘Bakit ka magdi-direk’?

Sabi ko… tatlong bagay yan…

Unang-una, I have a good story to tell… na sa palagay ko, ako lang ang puedeng magkwento dahil kwento ito ng mga babae sa buhay ko… sapat na yon na dahilan…

Pangalawa… kung saka-sakaling maging magaling ako na director… bonus na lang yon ni God sa akin…

Pangatlo… kung hindi man ako maging magaling na director… maano ba, hindi naman ako ang una…

Hahaha! Biro na may halong ‘bato-bato-sa-langit’ ang pangatlo…

Isa pang tanong…
‘Ano ang style mo bilang direktor’?

Eto ang sagot ko…

Imagine na may sinubmit na script si Lino Brocka kay Mother Lily…
Tapos nakamatayan niya…
After several years… nakita ni Mother ang script and she commissioned Joey Gosiengfiao and Chaning Carlos to collaborate on the project…
Na nakamatayan din ng dalawa…
Gusto niya sanang ipasa kay Joyce Bernal kaso naka kontrata ito sa Star Cinema…
Nung nagprisinta ang wardrobe ni Joyce dahil sayang naman ang mga nagastos ng pagkain sa mga preprod meeting, pumayag si Mother…

Ano ang kalalabasan?

While everybody who wants to direct emulates Hollywood and other great directors, my movie will have the locations of Lino Brocka, the musical numbers of Chaning Carlos, the magic-realism of Joey Gosiengfiao, the humor of Joyce Bernal and the costumes of ‘Super B’ and ‘Mr. Suave’.

And what do I want you to invest in my movie?

PRAYERS!

Paki panalangin lang na sana sa gitna ng kakulitang ito… pumagitna si God at huwag nyang hayaan na ang isang proyekto hinahandog ko sa Kanya ay mawalan ng saysay…

Sa halip, sana ay maging daan ito upang makita ng mga tao kung paano gumabay ang Diyos sa mga mga anak Niya…
Kahit sa isang napaka-unconventional na paraan…

Mabubuting Aral Sa Masamang Karanasan Sa Malate

Saturday, August 4th, 2007

MABUBUTING ARAL SA MASAMANG KARANASAN SA MALATE

Isang linggo na ang nakakalipas buhat ng mangyari ang isang kaguluhan sa Malate. (Refer to my ‘Masasamang Tao sa Malate’ blog.)

Ang daming nangyari…

Buti na lang meron ng blogs. Nabawasan ng mahigit 50% ang pag-ulit-ulit ng kwento.

Ang daming emosyon…

Madaming matatalik na kaibigan ang sumigaw ng, “Foul”. Nagtimpi ng galit. Nakailang iyak din ang Nanay ko.

Ang daming opinyon…

May mga nagpanukala na mag resbak, may gustong sunugin ang lugar, at may mga nag isip na baka nga guilty ako..

Mas madaming aral…

Lalo kong nakilala ang sarili ko.
Kung gaano kadaling magalit.
Kung gaano kadaling magpatawad.
Kung gaano kabilis puedeng sumunod sa isang maling payo.
Nakita ko kung ano ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan ko.
Nakilala ko ang mga totoong kaibigan ko.
May mga bagong naging kaibigan.
Nakita kung gaano ko kadaming kaibigan.

Ang matitinding aral…
Kung paanong sa isang iglap, puedeng matapos ang buhay…
Kung paanong sa isang maling balita, puedeng mabura sa utak ng lahat nga tao ang magandang reputasyon na ilang taon mong inalagaan…

Naglalamig ang paa ko matapos kong mapanood ang feature ng ‘The Buzz’. Sana hindi na lang lumabas ang balita. Hindi nakatulong sa kaso ko. Sa halip, nakasira pa sa reputasyon ko sa mga taong hindi nakakakilala sa akin.

Pero naiintindihan ko sila. Gusto lang naman nila ng malaking balita tungkol sa mga artista. Naibigay yon ng balitang ito.

May natutunan ako sa nangyari, magkasing ikli ang buhay at ang magandang reputasyon.

Lalo akong napag isip…

Hindi lang naman sa akin nangyari ito.

Nung isang taon,
Isang director na matalik kong kaibigan ang nabaril sa labas ng isang bar sa Makati.
Isang executive producer na kaibigan ko rin ang tinadtad ng saksak at taga habang nagpapamasahe sa bahay niya.
Kung wala akong kakilala at napunta kami sa isang maling presinto… maari kayang ako ang pumangatlo?

Sa kasalukuyan,
Isang pinsan ko na matatas ang kutungkulan sa military kasama ang pamilya niya ang nagtatago dahil sa paninira ng mga kaibigan sa serbisyo…
Isang U.P. Professor na parang tatay ang turing ko ang kasalukuyang iginagawa ng kung sinong baliw ng mga malisyosong Friendster at Multiply account na saksakan ng baboy ang mga nilalaman.
Kung hihimayin ang sulat ng bar owner… maari kayang isipin ko na higit pa sa hambalos ng bote ang ginawa nilang damage sa reputasyon ko?

Ang tanong: Kung hindi safe sa mga bar… sa bahay… sa presinto… sa workplace… sa internet… sa tv network… San pa tayo pupunta? Hindi na lang tayo gagalaw?

Nung Wednesday, isang representative ng isang law firm ang makipagkita sa akin. Nag alok sila ng tulong sa dahil sa pakiusap ng kaibigan kong matalik at ng asawa niyang senador. Tinanong niya ako kung ano pang aksyon ang gusto kong gawin.

Habang nag-uusap kami, pinipilit kong maghalukay ng galit sa puso ko para lang masamantala ang chance na isang malaking law firm ang tutulong sa akin.

Pero wala na akong mahagilap ng galit.

May ilang agam-agam:
Gaano kaya katagal mananatili sa utak ni Aling Simang na labanderang fan ni Judai na nag bestfriend nito ay nanghihipo sa bar?
Sa dami ng kaibigan ko na galit, kailangan ko bang i-top ang galit nila o ito na ang pagkakataong makita nila kung paanong binago ni Lord ang puso ko sa larangan ng pagpapatawad?
Anong sakit ba ang puede kong ipapataw dun sa pumalo sa akin para mabura ang peklat sa ulo ko?
Ilang sulat ng papuri mula sa bar owners ang puedeng magsoli ng mga luhang pumatak sa mata ng nanay ko pagkatapos niyang mapanood ang balita sa TV?

Hindi nakapagtanim ang nangyari ng takot sa puso ko para sa sarili ko…
Takot ako para sa galit ng mga kaibigan ko…
Takot akong mapatulo uli ng isyung ito ang luha ng nanay ko.
Takot ako na mangyari ito sa isang kaibigan ko at hindi maging kasing bilis ng sa akin ang pagdating ng pagpapatawad.

Ito na lang ang nasabi ko sa lawyer na kausap ko… alang-alang sa mga kaibigan ko na nagalit, sa ikapapanatag ng nanay ko, at ikaw na na-curious at nagbasa ng blog na ito… bahala na silang gawin kung ano ang sa tingin nilang karapat dapat… at ititikom ko na ang bibig ko.

Pero may naiiwang mga tanong.

Bilang bahagi ng Lyrics & Sheets Foundation, itinatag namin last year ang IS DA REVOLUTION. Ang proyekto na naglalayong magpatayo ng ‘Ang Puro’, isang wellness center para pangalagaan ang matatandang artists.

Eh, sino pa ang mapapangalagaan sa wellness center na yon kung ngayon pa lang ay mayroon ng mga napapatay at nababalda ng walang kalaban-laban?

Sino ba ang magsisiguro ng safety natin bawat araw?

Paano tayo maglalakad sa mga hindi pamilyar na lugar? Lalong lalo na sa pamilyar…

Naka isip kami ng isang mahinang tanong na baka lumakas pag sabay-sabay nating ibubulong.

Hindi ito protesta.
Hindi rin upang magpalaki ng gulo.

Gusto lang namin na magsilbing reminder sa lahat ng makakakita ng logo na ito na meron tayong maaring gawin bago pa mabiktima ang mga taong malapit sa atin.

Isipin mo na lang.
Ito ang mas cute at hip na counterpart ng commercial ni John Lloyd Cruz.

Gumawa kami ng mga pins… susunod ang mga t-shirts, stickers. At kung ano-ano pa…

Kopyahin nyo ang logo kung gusto niyo.

Tulad ng cellphone at lip balm…
BE UNCOMFORTABLE WITHOUT IT!