Archive for June, 2007

Isang Taping, Isang Kama

Wednesday, June 27th, 2007

ISANG TAPING, ISANG KAMA
Numbering my taping days by the number of beds for Casa Nieves.

Today is the last taping day Love Spell’s ‘Hairy Harry’… my TV comeback after a year of ‘sabbatical’ rest.

Ang bilis ng taon… eksaktong birthday ko last year ng huli akong mag taping for ‘Super Inggo’…

During that time… akala ko pagod lang talaga ako… at excited pumunta ng India kaya parang nilalagnat at nasusuka ako tuwing nagbabasa ng script…

It was only after I read the book ‘When God Tells You To Rest’ that I realized na ‘burn-out’ pala ang tawag dun… (ikukwento ko yan sa isang hiwalay na blog one of these days.)

I prayed and asked God na baka puedeng, for one whole year, I will not accept any project that will require me to read a script. Sayang naman kasi ang papel kung masusukahan ko lang.

Masyado yatang sineryoso ni God ang hiling kong yon…

During my birthday last June 6, as in sa mismong party ko sa bahay namin sa Puerto Princesa City, I got a call from Andoy Ranay… binati nya muna ako then segue to “Type mo bang mag-PD for me sa Love Spell?”

Suddenly, na remind ako ng prayer ko a year ago… cut to, two days after, straight from the airport, nasa pre-prod meeting na ako sa ABS.

I read the script habang nasa treadmill… natapos ko naman siya ng hindi ako nalalaglag… magandang sign yon…

It’s 8:56:33 AM of June 25, 2007.
Today is the last of the four taping days for the episode…

We usually roll at 9:30AM and finish at…
First day… 9:30AM of the next day…
Second day… 10:30AM of the next day…
Third day… 1:00PM of the next day…

Today… si Lord lang ang nakakaalam kung what time kami matatapos…

Nung mga nagdaang taping… nagkaka anxiety attack ako kaya halos hindi ako makatulog the night before… kagabi din…

Pero madaming pina-realize sa akin si God habang naghihintay ako ng antok kagabi…

May apat ng bakanteng kwarto sa bahay namin sa Puerto Princesa… minsan may mga kaibigan na nakikiusap na mag transient… naisip ko… bakit hindi ko na lang siya gawing legit na Bed & Breakfast…

Nagdasal ako uli… humingi ng confirmation kay God…

April… nag set-up ako ng isang ‘imaginary’ reception area ng aking ‘imaginary’ bed & breakfast sa second floor ng commercial space namin na same compound ng bahay…

Nung May… nagpaalam ang tenant na nag-o-occupy ng tatlong units na katabi ng ‘imaginary’ reception area… that gives me seven available rooms… I took it as a confirmation from God.

June ngayon… eto ako… ninanamnam ang confirmation ni God ng prayer ko…

July… mababakante ang space…

August… uuwi ako sa Puerto Princesa para ilatag ang plano at simulan ang ‘Casa Nieves’.

Pina realize sa akin ni God kagabi… bawat taping day… makakabili ako ng isang kama…

Bakit hindi ko isipin na…

Bawat pagpupuyat ngayon, tatapatan ko someday ng mahimbing sa tulog kamang maipupundar nito sa Casa Nieves…

Bawat hikab, babayaran ko ng mga malalalim na buntong hininga ng sariwang hangin ng Palawan…

It’s 10:03:13 AM… kinukunan na ang unang sequence for the day…

Kakaabot lang sa akin ng ni Pacita ng script ng isa pang episode ng Love Spell…

Isa na namang taping day…
Isa na namang kama…
Isa na namang dasal ang sinagot ni God…

09192910808. Pansamantala.

Monday, June 11th, 2007

Na misplace ko kaninang umaga ang Globe phone ko…
So habang hindi pa nagkakatime ang nakapulot naisoli sa akin…
or hindi pa nya ako natatawagan kung saan ko pipick-upin…

09192910808 muna ang pansamantala kong numero.

NA FLIP AKO!

Wednesday, June 6th, 2007

NA FLIP AKO!

June 6 ngayon.
34 na ako.
At the age of 33, na flip ako.

It was indeed a very tough year.
Losing interest with work…
Not knowing what to do with your life…
Having a lot of plans yet hindi mo alam kung saan ka magsisimula.
Parang ang dami ng nangyayari sa paligid mo pero walang interesting enough.
Pakiramdam mo lahat ng tao may opinion about you…
Paano nangyari yon?
Eh, kung ikaw nga mismo walang opinion sa sarili mo…

Kung wala ang mga kaibigan ko…
Kung wala ang ibang mga kaibigan ko…
Kung wala ang pamilya ko…
Kung wala ang mga itinuring kong pamilya ko…
Kung wala si Lord sa buhay ko…
Teka…puede ba namang mawala si Lord?

Same time last year ako pumunta ng India…
Sabi ng kaibigan kong si Aurora. “After India, you will never be the same person again…”
Oh yes… totoong totoo!

Paglabas ko ng India,
Mas ayoko ng gawin ang mga dating ginagawa ko. Mas madami na akong gustong gawin.
Mas madami na akong hindi magawa.
Mas madami ng may opinion sa akin…
At oo, wala pa rin akong opinion sa sarili ko.

Totoo nga… tama si Aurora.
After India, I am not the same person anymore.

Pakiramdam ko bagong tao ako.
Sumulpot out of nowhere.
Kailangan mag adjust sa paligid.
Madaming dapat matutunan.
Hindi alam kong saan magsisimula.

Ilang libro, mga bagong gawain at mga kaibigan ang naging gabay ko.
Si Nanang.
Si Dave.
Si Binibini.
When God Tells You To Rest.
Si Sir.
Si Jong.
Rich Dad, Poor Dad.
Si Boom.
Si Jourdan.
Si Ninya.
Is Da Revolution.
The Karens.
Si Mamee Jane.
Si Manang Jane.
Si Hate Wong.
Center For Asian Culinary Studies.
Nagbalik si Hoody.

Nagkita kami uli ni Aurora.
Kinumusta niya ako.
“33 ka pala ngayon?
Naku, nung 33 ako umabot ako ng nagngangangawa sa floor at walang makalapit sa akin. Ikaw?”

Noong gabing naputulan ako ng kuryente gusto ko sanang gawin yon.
Pero nahiya ako kay God.
Ayoko syang pangunahan.
Alam kong may plano Siya.
Pero aaminin ko, kung wala lang si God…
Eh, teka… puede ba namang mawala si God?

Simula bata ako, never kong kinuwestyon ang existence ni God sa buhay ko.
Nung naging Christian ako at 30, na-confirm ko.
He was there all my life.

I was a picture of a person that God loves.
I was a picture of a person that God favors.
I was a person who can picture God.
And how much He loves me.

Pero tama si Aurora.
At 33, dadaan ka sa krisis.
Yan ay kung wala ka pang naging major na problema buong buhay mo.
Dahil ba sa 33 namatay sa cross si Jesus?
O dahil physically nagsisimula ka ng tumanda at kailangan mo ng mamili kung magtatanda-taandaan ka na.
O forever ka na lang magbabata-bataan.

Totoo ang tsismis.
At 33, na flip ako!

All my life pala, ang tingin ko sa sarili ko ay parang isang coin.
Nakuntento ako sa nakikita ko sa harap ng coin.
Nakuntento ako na hawakan lang siya sa kamay ko.

At 33, God flipped my coin.
Hinayaan nyang malaglag ang coin.
For me to see the details at the back.
For me to realize my value before His eyes.

Eh, ano nga ba ang value ng hawak kong coin kung at end of my life, malalaman ko na wala palang nakasulat sa kabila?

At 33, na flip ang coin ko.
Today I turned 34.
Alam ko na ang totoong halaga ko before the eyes of my God.

Totoo ang tsismis…
At 33, na flip ako.
Na flip ako ni God.