The Isda Revolution T-shirt Campaign For Ondoy Victims.

September 29th, 2009 by dantenicogarcia
The past days, a lot of rescue efforts have been made for Ondoy victims…
Yet, still a lot of us have not been able to participate…

And maybe, up to now, some of us are still thinking of ways on how to help.

Sardinas ba?
Bigas?
Instant noodles?

Madami ng nagbigay nun, eh…

Lutong pagkain?
Paano kung hindi makarating agad…
At mapanis…
Nakakatakot namang maka food poison…

Damit?
Paano mo ibibigay ang mga damit?
May fitting room ba dapat?

Kung naka supot na agad…
Paano kung ang makukuha ng isang pamilya na puro lalaki ay pambabaeng damit?

IsDa Revolution and Lyrics&Sheets Foundation tries to simplify it…

Everyone of us has more than 2 t-shirts.
That’s for sure…

At ang t-shirt, maliban sa komportable sa klima natin…
lahat ng gender puede yan…

At hindi mo na kailangang maghalungkat pa ng closet mo…

Ito ang clue…
Buksan mo ang closet mo…
Ang unang t-shirt na hindi mo na naisuot sa nagdaang anim na buwan…
malamang, hindi mo na maisusuot pa uli kahit kelan…

A donation of just one t-shirt is more than enough…

Starting tonight, Wednesday… hanggang Saturday…
you may bring your t-shirt…
o t-shirts…
just t-shirts…
or cash…
or checks…
na ipambibili din namin ng t-shirts…
sa KAMBI.

KAMBI.
(Isang gimikan sa tabing kalye ng Sct. Rallos malapit sa corner ng Sct. Tobias. Malapit sa Behrouz. Nasa nasa kalye kaharap ng Music 21 sa Timog, Quezon City).

We will accept donations from 7pm to 5am.
Yup..
Tama ang basa mo ng oras…

Para na rin walang traffic paghatid niyo.

Sa karagdagang tanong… sumulat sa isda_revolution@yahoo.com.
Sa mga nakabasa… paki repost naman…

Ploning Gets 7 out of 10 at the 7th Gawad Tanglaw!

January 31st, 2009 by dantenicogarcia

Yipee!

PLONING gets 7 out of the 10 categories on the 7th Gawad Tanglaw!

Sa Best Actor at Best Supporting Actor/Actress lang tayo hindi pumasok…

To God be the glory!

Here is the link and the article:

http://www.starmometer.com/2009/01/16/7th-gawad-tanglaw-2009-winners/comment-page-2/

On its 7th year, Gawad TANGLAW (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) revealed this year’s honorees in movies, radio, television, journalism and the performing arts.

Here is the complete list of winners of the 7th Gawad TANGLAW:

MOVIES

Best Films:
Ploning, Boses, 100 and Jay

Best Actors:
Baron Geisler (Jay)
John Estrada (Caregiver)

Best Actresses:
Judy Ann Santos (Ploning)
Anita Linda (Adela)

Best Directors:
Dante Nico Garcia (Ploning)
Ellen Ongkeko-Marfil (Boses)
Chris Martinez (100)
Francis Xavier Pasion (Jay)

Best Screenplay:
Ploning
Boses
100
Jay

Best Story:
Ploning

Best Supporting Actor:
Emilio Garcia (Walang Kawala)

Best Supporting Actress:
Boots Anson-Roa (Lovebirds)

Best Cinematography:
Ploning

Best Editing:
Ploning

Damit. Plato. Laro. Pangarap.

January 29th, 2009 by dantenicogarcia

Monday, January 26, 2009
7:19:09 PM

Japan AirLines Flight 061
LAX-Narita-NAIA

Kalilipad lang ng eroplano mula Narita Airport patungong Maynila…
Tatlong buwan at labing-anim na araw simula ng una akong lumipad patungong America…
Tatlong beses na pagbalik-balik sa Pilipinas…

Pasarado na naman ang isang yugto ng buhay ko at ni Ploning…
Ang yugto ni Oscar…

Napakaraming magagandang karanasan…
Napakaraming bagong kaibigan…
Napakaraming natuklasan at natutunan…

Kung ikukwento ko lahat…
Marahil ay kukulangin ang baterya na laptop ko…

Ikukuwento ko na lang sa kaugnay ng apat na magagandang mga salita ng nagkaroon ng bagong kaugnayan kay Ploning:
Damit.
Plato.
Laro.
Pangarap.

DAMIT

2007…
Halos isang taon akong hindi bumili ng damit…
Dahil nga pinili kong ipahinga ang katawan ko sa trabaho…
Kasabay noon…
Namahinga din ang wallet ko…

2008…
Wala akong choice…
Kailangan kong bumili ng damit dahil tuloy tuloy ang mga promo at events ng Ploning…

Pagdating sa America…
Lalo ko pang kinailangan ng mga damit dahil hindi na uubra ang nakasanayan kong board shorts at flip-flop sa ginaw ng panahon…

Hindi ako nahihiyang dumiretso sa likod ng mga tindahan kung saan naroon ang mga clearance sale…
$3-$6 na T-shirt…
Mahal na ang sapatos pag lumagpas ng $20…

Kaso nung dumating ang winter, wala ng winter clothes sa clearance…
Kinailangan ko ng mamili ng medyo mahal na damit…

Paano ko naman na-afford ang winter wardrobe ko gayong ang anniversary special lang ng ‘Wish Ko Lang’ ang naging trabaho ko nung dulo ng 2008?

Yong per diem ni Hoody na binibigay niya sa akin…
Yong binuong pera ni Inay Uge mula sa mga kaibigan para maingganyo akong pumunta sa New York…
Mga shopping bag na bigla na lang inaabot ng mga kaibigan…
Kadalasan pera mismo na pang shopping.

PLATO

Ang laki ng portions ng pagkain sa America!
At kahit pauwi na ako, hindi pa rin ako nasanay.

Yong ang dahilan kung bakit 20lbs overweight ako ngayon!

Sa America, natutunan kong panghawakan na pag sinabi ng kasama ko na “my treat”…
Hindi na ako nagpupumilit dumukot ng wallet…

Dati-rati kasi…
Mga matatalik ko lang na kaibigan ang pinapayagan kong ilibre ako ng pagkain…
Tapos pag hindi ko ka-close, pipilitin ko talagang mag share…
Out of pride.

Dati-rati…
Three nights ang adjustment ko…
Bago ako makatulog ng mahimbing sa kamang hindi akin…

Sa America,
Mahigit dalawampung kama ang pinakitulugan ko…
At mahimbing kaagad ako unang gabi pa lang…
Out of pagod.

Dati-rati…
Hindi ako gumagamit ng toilet ng ibang bahay…
Pag may shoot, uuwi pa ako o titiisin ko hanggang ma pack-up.
Iba na ngayon.
Out of necessity.

LARO

Theme parks ang isa sa pinakamalaking attraction ng Los Angeles…
Nung una akong dumating…
Sabi ko sa mga kaibigan kong nag-aaya,
‘Saka na lang, matagal pa naman ako’…

Nung nagpasukan na ang mga pera na donasyon sa kampanya…
Nahiya na lalo akong mamasyal…
Baka makita ng mga tao ang mga pictures at isipin nila na ginagastos ko lang ang pera sa pamamasyal sa mga theme parks…

Ayun…
Pagkatapos ng tatlong buwan sa LA…
Ni hindi ko napasok ang Disney at Universal Studios!

Ang tanging naging bakasyon at laro ko ay noong bagong taon na sinagot ni Hoody ang pamasahe ko papuntang New York…
At nanood kami nila Inay Uge at Andoy ng mga Broadway plays na sagot naman nila ang tickets…

Si Lord naman, pinaglaruan ako…

Two days bago ako umalis noong Oktobre,
Nawala sa Puerto Princesa ang wallet ko…
Within one day, napa-replace ko naman ang driver’s license at ATM’s ko…
Pero pumunta ako sa America ng walang credit card.

Pag-uwi ko ng November, nakuha ko ang replacement card ko…

Ewan ko ba…
Hindi naman ako burara…
At buong buhay ko…
Mabibilang sa daliri ng isang kamay ang pagkakataon na nawalan ako ng wallet…

Pero bago magpasko…
Nawala uli ang wallet ko…
Sa LA mismo!

Sa isang siyudad na halos hindi nagdadala ng cash ang mga tao…
At hindi rin puedeng mag commute…
Wala akong lisensiya at credit card!

Habang hinahanap ko ang wallet sa ilalim ng mga kotse kung saan ko ito maaring nalaglag…
Sabi ko kay Lord… ‘Bakit naman ngayon pa… huwag mo naman akong paglaruan…!’

Ewan kung dala lang ng pag akyat ng dugo sa ulo ko habang nagtututuwad sa isang parking lot…
Parang sinagot ako ni Lord na, ‘Sa pagkawala ng wallet mo, iniisip mong pinaglalaruan kita, eh puede namang mangyari yan sa lahat ng tao… Samantalang sa aspeto na kalahok sa Oscars at nanalo ka ng Best Director sa Asia sa unang pelikula mo, hindi mo naiisip na baka doon din, pinaglalaruan kita?’

Natahimik ako…
At nag paubaya…

PANGARAP

Sa ngayon…
Halos lahat ng bagay na pinangarap ko ay natupad na…
At mas marami pang ni hindi ko pinangarap pero nangyari…

Ano pa nga ba ang papangarapin ko?

Nagustuhan ko ang pagdi-direk…
Hindi lang dahil sa mga palakpak…

Higit dahil sa pagkakataong maipahayag ang mga saloobin at mga pinaniniwalaan ko…

Pangarap kong makagawa pa ng mga pelikula at maka antig ng damdamin.

Tulad ng naging karanasan ko sa America, pangarap kong makilala pa lalo ang sarili ko sa pamamagitan sa pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao…

Pangarap kong magkaroon pa ng maraming kaibigan…
Hindi dahil sa libreng shopping…
O puedeng makitulog sa bahay nila…
At makigamit ng toilet…

Pangarap kong muling maramdaman ang pagtitiwala ng mga dating kaibigan at mga bagong kaibigan…
Mga kakilala at makikilala pa lamang…
Mga dati ng pinagkakatiwalaan at pagkakatiwalaan pa lang.

Sa yugtong ito ng buhay ko at sa pangarap na Oscar ni Ploning…
Natuto akong magtiwala lalo  sa mga tao sa paligid ko…
At sa sarili ko.
At sa Diyos.

Nagmamahal ako… nagtitiwala.

A Friend Wrote My Oscars Thoughts For Me…

January 20th, 2009 by dantenicogarcia

I wanted to come up with a blog nitong mga nagdaang araw…
Pero sobrang pagod pa ako…

Last night, while checking my email…
Naka chikahan ko si Allan Diones sa Yahoo Messenger…
Nagkakwentuhan kami…
Na nauwi sa online interview…

Today, he texted me na sinulat niya ang chikahan namin sa Abante…

After reading it…
Nandun lahat ng thoughts at updates ko…
So, ito na muna ang blog ko…

(Pansinin niyo ang ‘message’ part… very YM ang format… Hehehe!)

Ito ang article…

___________________________________________

KATSIKAHAN namin kahapon sa YM (Yahoo! Messenger) si Direk Dante Nico Garcia na kasaluku­yang nasa San Rafael Film Festival (sa Marin County, malapit sa San Francisco, California).
May screening doon ang 13 foreign language films kasama ang Plo­ning ni Judy Ann Santos. Hindi kasama roon ni Direk Ga (palayaw ni Direk Dante) si Juday dahil naiwan ito sa L.A.
Sa Pebrero 5 pa ang balik dito sa ‘Pinas ni Ga, na masaya pa rin at proud sa kanyang unang pelikula kahit nabigo itong makapasok sa siyam na pelikulang na-shortlist ng 2009 Oscars para sa Best Fo­reign Language Film ca­tegory.
Bongga ang experience ni Direk Ga nang dumalo sila sa 20th Palm Springs International Film Festival (Enero 6-19, 2009).
Isa ang Ploning sa 50 of the 67 foreign entries sa Academy Awards this year na in-screen sa PSIFF, under the ‘Awards Buzz’ program.
Kuwento ni Direk Ga, love ng organizers ng nasabing pestibal si Juday at nagustuhan ng matatanda ang kanilang pelikula.
Si Ga ay naging ins­tant favorite ng ‘hermana mayor’ ng PSIFF na si Ms. Jackie Lee Houston, na itsura raw ni Madame Imelda Marcos na sosya­lerang patron of the arts.
Super chika raw sila nito at isinama pa siya sa guest list sa malaking gala na limitado ang imbitado at ang dinner ay $500 per plate.
Si Ms. Houston ang may-ari ng CBS network sa Palm Springs, CA.
***
Isa sa highlight ng Palm Springs para kay Direk Ga ay ang makasama niya sa isang event ang mga A-list Hollywood celebrities.
Dumalo siya sa black-tie awards night gala at isang mesa lang ang pagitan nila ni Sean Penn.
Nahiya siyang chumika at magpa-picture sa bida ng Milk dahil pormal ang event.
Naroon din ang mga direktor na sina Clint Eastwood, Ron Howard, Gus Van Sant, pati na sina Anne Hathaway, Dustin Hoffman, Ben Stiller, Dakota Fanning, atbp.
Ang big deal kay direk ay ang makita si Leo­nardo DiCaprio, na isa sa mga pinarangalan that night kasama ni Kathy Bates. Ang mga nabanggit na celebs ay binigyan ng parangal sa nasabing pestibal para sa kanilang outstanding accomplishments at body of work.
Enero 6 naganap ang nasabing black-tie affair kaya si Direk Ga lang ang nakadalo. Sina Juday ay later pa dumating para sa Enero 12 & 13 screenings ng Ploning.
Kasamang dumalo ni Juday ang co-stars niyang sina Meryll Soriano at Ces Quesada at isa sa produ­cers ng pelikula na si Guia Gonzales.
Wala nang gaanong Hollywood stars nang dumating si Juday, pero ang dami niyang photos sa website ng festival.
***
Hindi nawalan ng loob si Direk Ga kahit mailap pa rin ang Oscars sa Pilipinas dahil ginawa nila ang lahat para sa kampanya ng Ploning.
Heto ang mensaheng nais iparating ni direk sa lahat…
“Even after we were chosen to represent the Philippines, I cannot remember that I actually asked God to make me win an Oscar this early in my career
“Aside from alam kong madami nang nagdarasal for us, medyo takot ako dahil baka tumaas masyado ang expectations at makalimutan ng mga tao na first movie ko pa lang ito and I still have a lot to learn.
“But being given the chance to represent the Philippines in a very prestigious awards is honor enough.
“We were given the chance to knock a little louder sa pinto ng Hollywood para magbukas ito sa Filipino films kung hindi man tayo nakapasok ngayon.
“I believe that ‘yung pagkatok namin is loud enough for them to be aware na aali-aligid lang tayo at ready na pumasok anytime soon.
“Naniniwala ako na maraming makikinabang na Filipino filmmakers sa ingay na ito sa mga susunod na taon.
“At the same time, na­ging aware din ang mga Pinoy that it is a battle that we need to fight together kung gusto nating mamayagpag uli ang industriya ng pelikulang Pilipino.
“I’m very grateful that I was given the chance to that one shot. I have yet to see if this experience made me a better filmmaker sa mga susunod ko pang pelikula, but it definitely made me a better man. And I’m perpetually grateful!”
***
Maraming na-meet na producers si Direk Ga sa pag-attend niya sa iba’t ibang film festivals at ang ilan sa mga ito ay willing suportahan ang kanyang next films.
Ano ang balak niyang next project after Plo­ning?
“I met a producer here who wants me to make a film right away. At ‘yung advice ng publicists dito is to make it at least 50% English.
“So, dadaan pa ako sa San Francisco to do a research. It might be ano­ther Judy Ann film inspired by a Howie Severino documentary, ‘yung lolo ng San Francisco. I think The Little Brown Man of San Francisco ang title.”
So, on hold muna ang Mrs. Recto na dapat sana’y next directorial project niya starring Eugene Domingo?
“We will decide pa pagbalik ko. For now, I need to come up with three sequence treatment. Two Juday and one Uge. Then, my producers will decide kung ano ang pinaka-feasible.
“Three story concepts and three sequence treatments in a month. Patay-patayang back-to-work ito. Pero sobra akong ins­pired and encouraged!”

OBASIWOKA! Ang Daan Patungong Oscars / ikalawang Yugto

November 20th, 2008 by dantenicogarcia

Friday, November 21, 2008

6:33:12 AM

 

Ang aga kong gising…

Eh, samantalang tatlong oras pa lang ang tulog ko.

 

Hilo ang body clock ko…

Pero panatag.

 

Mamayang 9:45 PM pa ang appoinment ko…

Screening ng Ploning sa HongKong Asian Independent Film Festival.

 

Oo nga pala…

Andito ako ngayon sa Hongkong.

 

Room 1511.

Metro Park Hotel.

75 Waterloo Road.

Kowloon.

Hongkong.

 

Limang linggo mahigit din akong nanatili sa America.

Nangatok…

Naki-usap…

Nakipag kaibigan.

 

Lahat yon para sa kampanya sa Oscars.

 

Sa loob ng limang linggong yon…

Madaming pinto ang nagbukas para sa akin…

Madami akong nakausap…

At madami akong naging kaibigan.

 

May mga nakahalubilo ako na mga tao na tulad ko kay nangangarap din na magka Oscar…

May nakahalubilo din ako na mga tao na nakatanggap na ng Oscar…

At nakakita na rin ako ng totoong Oscar.

 

Kasabay nito…

Dumami na rin ang imbitasyon ni Ploning sa iba’t-ibang festival.

 

Hongkong Asian Independent Film Festival. For exhibition. Hongkong…

International Film Festival of India. In competition. Goa, India…

Asian Festival of First Films. Nominated kami for Best Film, Best Director at Best Screenplay.  Singapore…

Palm Springs Film Festival. Festival kung saan magtitipon-tipon lahat ng ‘For Consideration’ sa Oscars. America uli…

 

Lahat ‘yon kailangan kong puntahan.

Upang muling mangatok…

Maki-usap…

At makipag-kaibigan.

 

Habang nangayari ang lahat ng ito…

Gusto ko man sanang magyabang na…

Lalong ipinapako ng mga kaganapang ito ang mga paa ko sa lupa.

 

Ang laki nga pala talaga ang mundo…

Ang daming pelikula…

At ang daming manggagawa sa likod ng pelikula.

 

Isa lamang ako sa milyon-milyong ‘sila’…

 

Isa ang natutunan ko…

Hindi ang Oscars ang nagpapaikot ng mundo ko…

Pero ito ang ginagamit ng Diyos upang ‘makita’ ko ang mundo.

 

Kagabi..

Sa Hongkong airport…

Isang mamang intsik na nakasuot ng pusyaw na asul na amerikana ang sumasalubong sa lahat ng Pilipinong lulan ng eroplano at tinatanong niya ng, ‘Obasiwoka?’

Karamihan sa mga kasabay ko sinasagot siya ng ‘Oo’ at sumusunod sa kanya…

Mas pinili ko na sundan na lang ang arrows dahil hindi ko naintindihan ang sinasabi niya.

 

Halos tatlong araw lang ako sa Pilipinas bago tumulak dito.

Pagbalik ko, baka tatlong araw din lang tumulak na ako papuntang India…

Tapos sa Singapore…

Mula Singapore, tatlong oras lang ang ititigil ko sa Maynila tapos balik na uli ng Amerika.

 

Tuloy sa pagkatok…

Tuloy sa pakiki-usap…

Tuloy sa pakikipag-kaibigan.

 

Naisip ko uli ngayon ang intsik na mamang naka-pusyaw na asul na amerikana sa airport.

 

Kung sinagot ko pala siya ng ‘Oo’…

At sumonod ako sa kanya…

Hindi naman ako nagkamali.

 

Dahil sa halos hindi na ako natitigil sa Pilipinas…

At lahat ng mga kailangan kong gawin sa mga susunod na buwan ay sa ibayong dagat…

Marahil nga ay maituturing na rin akong isang ganap na…

OBASIWOKA!

 

 

 

Ang Daan Patungong Oscars / Unang Yugto

October 10th, 2008 by dantenicogarcia

 

 

Friday, October 10, 2008

12:09:55 AM

 

Nakasakay ako ngayon sa Philippine Airlines Flight PR 102 papuntang Los Angeles, California…

10pm kami lumipad…

Ngayon lang nag settle down ang lahat after dinner…

Kanina ko pa iniikot ang tingin ko sa paligid hinahanap kung saan ang individual monitors…

Wala palang ganun sa ecomony class…

Sayang hindi ko mapapanood ang ‘Forbidden Kingdom’ at ang ‘My Monster Mom’.

 

Nung pumatay ang cabin lights…

Excited na akong mag quiet time magsulat na lang ng regular journal ko…

May bago kasing bigay na devotional sa akin si Tita Coney na ngayon ko sana sisimulan…

Ang title ‘What Matters Most for Men’…

Kaso ayaw umilaw ng reading light ko…

 

Ayoko na rin namang mag reklamo…

Dahil baka ang solusyon ay kailangan kong lumipat ng upuan…

‘Wag na lang…

 

Kaya naisipan ko na dito na lang sa laptop ko mag journal…

Maliban kasi sa ‘No Smoking Sign’…

At sa spill ng ilaw na nanggagaling sa lavatories…

(Nga pala, seat number 93A ako)…

Wala ng ibang light source.

 

Journal proper.

 

Mixed emotions ako sa pagpunta sa America…

Excited pero parang tinatamad at restless.

 

First time ko…

Pero naka isa’t halahating buwan at dalawang balik na ako sa Europe early this year kaya tamad na akong mag empake at umupo sa mahabang plane ride…

 

Tsaka mahigit akong isang buwan na hindi magtatrabaho…

Walang kita…

Tapos magpapasko…

 

Kaninang umaga…

Tamad na tamad akong bumangon…

Napadami din kasi ako ng inom kagabi sa staff party ng ‘Newsmakers’…

(Yong TV special on 5 Philippine Presidents na ginawa ko sa GMA)…

Na low-batt ang phone ko kaya wala akong alam sa oras…

‘Yong mga nakakaalam lang na kasama ko si People-Person Dom  ang naka-contact sa akin…

Nagtampo pa nga si Ploning at si Noynoy dahil I was supposed to meet up with them kaso hindi ko na nagawa…

Ipinadala na lang ni Noynoy ang mga jacket na hiniram ko sa kanya sa QC ng may halong inis…

 

Paggising ko ng umaga…

Ang dami ng missed calls…

‘Yon pala nagplano sina Pet at Pidyong na mag lunch kaming tatlo…

Di ko lang nabalitaan dahil nga wala akong phone kagabi…

So kahit lulugo-lugo…

Pinilit ko na ring bumangon.

 

Tomodo ako ng kain ng Binagoongan at Bulalong Munggo…

Baka kasi ma miss ko sa America.

 

Mabilisang lunch lang…

Kasi si Pidyong may pictorial…

Ako naman kailangan ding kumuha  ng cheke sa Regal at pik-upin ang book na gift ni Tita Coney…

 

So sina Pet at ang dalawa pang magaganda at matatabil na Etihad FA’s na kasama namin…

Sinamahan na lang ako sa errands ko…

 

Bahay ni Tina sa Scout Gandia…

Tycoon Buliding sa Ortigas…

Celery Street sa Valle 5…

 

Tapos tumawag si Guapa Sariwa…

Nagmagandang loob na ipahiram sa akin ang kanyang US phone…

 

Capitolyo sa Pasig…

NR Marketing sa may St. Paul…

 

Tapos naalala ko na wala pa pala akong dollar…

 

BDO Tomas Morato…

Coffee Bean… Tomas Morato din…

 

Tapos nag text na si Gnoj na nasa bahay na siya…

Siya kasi ang nagprisinta na ihatid ako sa airport…

5pm na pala…

Ni hindi pa ako nakakapag empake…

 

Mabilisang empake…

30 minutes na pag-aayos ng mga damit na mahigit isang buwang gagamitin sa bansa na hindi ko alam ang klima…

Habang may lima akong kaibigan na nanonood sa ginagawa ko.

 

5 minutes to 7pm…

Tumutulak na kami sa airport…

Ang mga Ngonams kong si Gnoj at Idoob na lang ang naghatid sa akin.

 

Lumala pa ang pagka-restless ko dahil sa ininom kong personal Coffee Bean concoction kong grande na Chai-Latte-With-Extra-Espresso-Shot…

Inaaliw lang ako ng mga Ngonams along the way…

 

Natauhan lang ako nung chinika ako ng Immigration Officer…

Natuwa siya na ang dahilan ng pagpunta ko sa America ay para ikampanya sa Oscars ang kauna-unahan kong pelikula…

 

Oo nga naman…

Libo-libo ang umaalis ng Pilipinas araw-araw…

Iba-iba ang dahilan.

 

‘Yong sa kin kakaiba…

At sigurado kong ako lang ang may ganung dahilan sa Pilipinas ngayon…

 

Bakit ba ako lulugo-lugo?

Ang problema ko lang naman ay ang mahabang flight at ang pag empake ng mga damit…

 

Nakahiya naman kay God.

Eh, samantalang marahil ay ilan sa mga kasakay ko sa eroplanong ito ang isinanla pa ang kabuhayan at tinalikuran pansamantala ang pamilya para lang makarating sa America.

 

Pinababa na ng stewardess ang window shade…

Madilim na ang paligid…

Mahimbing na ang matandang katabi ko na may hawig kay Tatay…

 

Hindi na ako restless…

Excited na akong itaas uli ang window shade mamaya…

At masilayan ang liwanag ng America…

At ang mga bagong aral ng buhay na ituturo sa akin ni God sa biyaheng ito ni Ploning patungong Oscars…

 

 

 

 

 

 

 

Dadalawin Ni Nay Ploning Si Uncle Oscar: Amblig!

August 31st, 2008 by dantenicogarcia

Amblig!
Cuyonon ng ‘ingat’…

‘Yan ang favorite word ko ngayon.
John Lloyd / Biogesic Cuyonon edition!
Wahahaha!

Para kasing naging malikot masyado ang imagination ko nung bata ako…
At naging matabil ang prayers ko…

Kasi ang dami Niyang binibigay ngayon sa akin na ni hindi ko maalalang hiniling ko…
Ang iba nga ni hindi ko inimadyin.

Pero sabi nga ni Spanky Manikan as Tsuy sa Ploning:

“Puso ang ipanghanap mo…
Kasi ibibigay ng Diyos ang gusto mo pag handa na ang puso mo…”

Siguro handa na ang puso ko kaya si Nay Ploning ngayon ang pupunta kay Uncle Oscar…
Bilang Official Philippine Entry sa Best Foreign Language Film Category.

Siguro noong bata ako…
Mahilig akong humiling kay God ng imposible.
Ngayon kasi ‘shy-type’ na ako…
Pero todo pa rin Siyang magbigay.

Kaya sa mga malilikot ang utak at gustong magka-Ploning…
At sa mga nag-i-imagine kay Oscar…
Amblig!

Baka ibigay ‘yan ni God pag handa na ang puso mo…
Ikaw din…

Ipakilala Mo Naman Ako Kay Bob Ong…

July 29th, 2008 by dantenicogarcia

Nasa proseso ako ng pagsusulat ng susunod kong pelikula…
At kasalukuyan akong nagbabasa ng mga Filipino Fiction…

Ang tema kasi ng pelikula ay isang silip sa buhay ng mga Pilipinong ina…
At kung paano nila suportahan ang mga pangarap ng kanilang mga anak…

Naghahanap ako ng mga artikulo na tumatalakay sa mga babae, anak, ina, at Filipina…
May mga nadaanan akong gawa ni Bob Ong na labis na nakaapekto sa akin…

Sa libro niya na “Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino’…
Na kasalukuyan kong binabasa…
Nabanggit niya ang linyang ito…

“…ANG MGA MAMEMELIKULA AY KAILANGANG GUMAWA NG BASURA PARA
KUMITA. KUNG BAKIT MGA BASURA ANG KUMIKITA AT KUNG BAKIT
GUSTONG-GUSTO ITO NG MGA PILIPINO AY WALANG NAKAKAALAM.”

Bigla akong nagkaroon ng pagnanais na makausap si Bob Ong…
At maitanong sa kanya kong ano ba ang pamantayan upang maituring na ‘basura’ ang isang pelikula…
Dahil kahit gusto ko ng pelikulang kumikita…
Ayokong gumawa ng ‘basura’…

“… ANG MGA KUMIKITANG PELIKULA AY TUNGKOL SA ITLOG,
KANGKONG, GATAS, PINYA AT TALONG.”

Eh, isang joke tungkol sa saging ang inspirasyon ng susunod kong pelikula…
So may posibilidad ngang kumita ito…

Gusto kong itanong kay Bob Ong kung paanong maiiwasang maging basura ang isang pelikulang nakakatawa…

“…LAGING MAY MGA PELIKULANG HINDI MAPAGDESISYUNAN KUNG
BASTOS O MASINING.”

Lalong umigting ang pagnanais ko na makausap ng personal si Bob Ong.

Baka hindi ko pa kayaning gumawa ng pelikulang masining…

Pero matagal na akong nakapagdesisyon…
Ayokong gumawa ng pelikulang bastos!

Kung kilala niyo naman si Bob Ong…
Gusto ko din siyang makilala…
Makahuntahan…
Makabalitaktakan…
Kung papalarin ay mahiram ang ilang linya sa kanyang mga libro…

Nais kong matuto sa kanya…
at si ‘Mrs. Recto’.

The Secret. God. Mac. Me. And God.

July 13th, 2008 by dantenicogarcia

/THE SECRET/

When was the last time you uttered a silent prayer…
Or ni hindi mo pa nga pinagdasal…
Basta naisip mo lang…?

Tapos nangyari ang gusto ng utak mo…
O mas maganda pa sa naiisip mo…

Ang tawag diyan ng mga taong fanatic ng ‘The Secret’,
Pagbato daw sa ‘universe’…

Nakikinig din ako ng ‘The Secret’…
Audiobook kasi ang akin… download ni Chechel Joson sa iPod ko…
Pero tulad ng napag agree-han namin ni Sharon Cuneta sa isang pag-uusap…
Ang paggamit sa librong ito ng ‘universe’ bilang tagapagdinig ng mga hiling ng puso natin ay para maging universal at non-sectarian lang ang concept…

/GOD/

Kung naniniwala ka naman sa Diyos…
At Kristiano ka…
Try mo i-replace ang bawat banggit sa The Secret ng ‘universe’ ng God o Jesus Christ…
Mas maa-appreciate mo ang libro…

I did that…
At na-appreciate ko ito ng bongga…
Ng bonggang bongga!

/MAC/

Plano kong magsulat ng susunod kong pelikula habang nasa Europe ako…
Kaso bago ako umalis nasira ang battery ng laptop ko…
Hindi na siya nagcha-charge…
Dapat nakasaksak the whole time…

Wala tuloy ang naisulat sa loob ng isang buwan na nandun ako…
Salitan lang kasi kami ng adaptor sa pag charge ng lahat ng gadget pag nasa hotel…
At slightly snobbish ang mga garcon… mahirap makisaksak!

Pagbalik ko sa Pinas…
Pini-pressure na ako ng aking Panoramanila peeps to write…
Pag labas ko daw mula sa Palawan…
Or after dapat after the Paris Cinema trip…
Dapat may gawa na ako…

Sabi ko, ‘penging laptop’…
Spoiled ba ako?
Sabi nila, ‘Ipag pray mo at maghintay ka…’

Gusto ko maliit na…
13” siguro na black…
Ang bigat kasi ni Papadom sa likod…
Ang aking 17” Mac PowerBook G4…

Pero gusto ko malaki ang screen…
Kasi malabo na ang mata ko…
Dini-deny ko lang…
Ayokong magsalamin…

May desktop naman sa kwarto ng parents ko dito sa Puerto Princesa…
Pang chat nila sa mga kapatid ko abroad…
Pero isa ako sa naniniwala sa kasabihang…
‘Once you go Mac… you can’t go back!’

/ME/

Pagdating ko dito sa Palawan gusto ko ng magsulat…
Kaso naiinis ako sa laptop ko na huwag ka lang magalaw…
Namamatay…
Tapos restart ka uli…

Minsan over dinner sabi ng Ate Dolly ko…
May napanalunan daw siyang computer sa isang raffle…
Baka gusto ko daw gamitin muna…

May tindahan kasi sa baba ng bahay namin…
At hilig nun na pirmahan ang lahat ng mga wrappers na may pa-raffle kung wala siyang magawa…

Puede rin…
Pero paano na ang kasabihang…
‘Once you go Mac…’?
Ayoko naming maging taksil sa sumpaan…

/AND GOD./

Bago pala ako umuwi sinasabi na ni Ate sa mga tao ditto sa bahay na mukhang ako lang naman daw ang gagamit ng computer na ‘yon…
Hiya naman akong i-turndown siya…

Kaya sinilip ko na rin ang box sa kwarto niya…
Di niya kasi nilabas hanggat wala ako…

Aba, Mac!!!
Bonggang silver na desktop…
Na may remote control pa ang DVD Player…

Ayun…
Na-assemble agad sa kwarto ko the next day…

Di ko alam ang specs nito…
Wala naman akong alam sa ganun…
Pinicturan ko na lang…

Pero dalawang araw nang nandito sa kwarto ko ang Mac na ito…
Di pa rin ako nakakapagsulat…

Tinititigan ko lang…
At bumabalik balik sa akin ang turo ni Tita Coney Reyes dati…

God daw has four possible answers to every prayer…

Yes.
No.
Wait.
Not that… I have something better!

I got the ‘something better’!
I just replaced the ‘universe’ with ‘Jesus Christ’ in my prayers.
That is ‘The Secret’.

Image001

Para Sa Mga Nagmahal At Nagtiwala… Ang PLONING Trailer!

April 16th, 2008 by dantenicogarcia

grabeeeehhhh!!!!…
ang haba ng pinagdaanan…

naka ilang palit ng score…
nariyang hindi mai-release dahil kailangan ng karagdagang budget para makagawa ng kopya para sa MTRCB…
ang muntik-muntikan ng pagpapalit ng playdate dahil makakabangga daw namin ang ilang malalaking pelikula…
may ilan pang nagsasabing ’suicide’ daw ang project na ito…

eto na po…

http://www.youtube.com/watch?v=JmDZTGV5×04

tuloy na tuloy na sa April 30…

ang homage ko sa Sampaguita at LVN pictures…

mas pinoy pa sa tinola…
may hatid na konting sakit dahil ikaw ang nagpalaki ng manok at kinakatay ito sa harap mo…
pero hindi mo pagdududahan ang sarap kasi ikaw ang nagtanim at sa bakuran mo pinitas ang mga sangkap…
isang pelikula na nagsasalarawan uli ng isang MAGANDANG PILIPINAS…

para sa mga nagsasabing ’suicide’ ang project na ito…

ito po ang sabi ng character ni Celeste sa pelikula…
na ginampanan ni Mylene Dizon…

"dalawa lang ang puedeng mangyari sa lumulundag sa bangin ng may tiwala sa Diyos…
sinasalo Niya…
o tinuturuan Niyang lumipad…"

ang full-trailer na hudyat na paglipad ni Ploning…

walang takot naming susuungin ang ilang malalaking pelikula…
tulad ng kung paanong hindi ka matatakot na may katabi kang nagtitinda ng katulad ng paninda mong pagkain sa isang food court…
basta tiwala ka sa produkto mo…

gaano ako katiwala sa pelikulang ito…?

maliban sa akin…
napamahal sa lahat ng taong nakibahagi ang proyektong ito…
at ika nga ni Ploning…

"ang nagmamahal… nagtitiwala…"!